NAKATAKDANG magsagawa ng pagsusuri ang Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) sa soy sauce at fish sauce brands upang masiguro na prinodyus ang mga ito sa pamamagitan ng standard production processes.
Batay sa report, ang PNRI ay gagamit ng advanced nuclear technology upang malaman kung ang mga condiment na ito ay nag-tataglay ng synthetic ingredients.
Magsasagawa rin ang Philippine Risk Profiling Project, isang grupo na nagsasagawa ng pagsasaliksik sa food safety, ng kanil-ang sariling pagsusuri.
Ayon sa grupo, ang standard production ng toyo at patis ay dapat na sa pamamagitan ng fermentation.
“Ibig sabihin, ginagamitan ito ng mga mikrobyo na nagbe-breakdown o pinuputol-putol ‘yung complex molecules sa soybeans sa soy sauce o sa muscles ng fish sa patis,” wika ni Dr. Alonzo Gabriel mula sa Philippine Risk Profiling Project.
Ang grupo ay nakatatanggap ng mga report na ilang soy sauce manufacturers ang gumagamit ng hydrochloric acid o muriatic acid upang mapabilis ang mahabang proseso ng fermentation.
Sa mga kasong ito, isang by-product chemical compound na tinatawag na 3-MCPD ang maaaring maprodyus at posibleng ma-kasama sa kalusugan ng mga consumer.
“Ito ‘yung 3-MCPD and the group will be looking at it at kung gano ba karami ang 3-MCPD sa toyo halimbawa at sa consump-tion rate ng mga Filipino. Ito ba ay magdudulot ng masama sa kalusugan ng tao,” ani Gabriel.
Noong Martes ay nagpalabas ang Food and Drug Administration (FDA) ng advisory hinggil sa limang brands ng suka na nag-tataglay ng synthetic acetic acid.
Nagsagawa rin ang PNRI ng naunang pagsusuri kung saan 15 sa 17 vinegar variants na kanilang inin-speksiyon ay natuklasang nagtataglay ng synthetic acetic acid.
Comments are closed.