TRABAHADOR NG DOT BABAKUNAHAN LAHAT

dot

LUMALAKAS muli ang turismo sa bansa habang pinalalakas ng Department of Tou­rism (DOT) ang pakikipagkaisa sa mga public at private sectors para mabakunahan ang mga trabahador particular sa mga key tourism destinations ng bansa.

Abot sa 5,000 mula sa 13,000 tourism workers na sa Bohol ang nabigyan ng unang dose ng COVID 19 vaccine habang 2,500 tourism workers naman sa Tagbilaran ang naghihintay ng kanilang first at second shots ng Sinovac. May karagdagan pang 11,000 doses ang hini­ling nila para sa Bohol, kasama na ang mga DOT-accredited establishment at service providers.

Sa Boracay, 7,634 frontline workers at iba pang tourism-related workers ang binakunahan mula sa target na 12,809 tourism workers.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, kaila­ngan ito upang muling gumalaw ang industriya ng turismo. Binigyang diin niyang bukod sa Bohol at Boracay ay balak din nilang pabilisin ang pagbabakuna sa kanilang mga workers sa National Capital Region (NCR) Plus 8, kung saan kasama ang NCR, Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Pampanga, at Rizal.

Kasama rin sa top priority ng DOT ang El Nido, Coron, at San Vicente, Puerto Princesa City sa Palawan; at Siargao.

Kamakailan, nag-usap sina Puyat at National Task Force (NTF) Against Covid-19 deputy chief implementer, Secretary Vince Dizon, sa Palawan kung saan nabakunahan na ang 2,500 tourism workers. — KAYE NEBRE MARTIN

3 thoughts on “TRABAHADOR NG DOT BABAKUNAHAN LAHAT”

Comments are closed.