TRABAHO NA

edwin eusebio

Naiproklama na nga ang mga Bagong Senador,

Sila ay Manunungkulan sa Susunod na Anim na taon.

Umaasa ang mga bumoto sa kanila ngayon,

Susuklian nila ng pagsasabatas na napapanahon.

 

Sana ay makabalangkas Sila ng mga batas na kapaki-pakinabang,

Mga panuntunang nakatuon sa larangan ng Negosyo at Kalakalan.

Higit lalo pa ngayon na ang Mundo ay nalulugmok sa kahirapan,

Patuloy na lumalaki ang agwat ng mga mahirap sa mga Mayayaman.

 

Ang mahalaga ay makalikha sila ng mga oportunidad at trabaho,

Layon nito ang makapagbigay ng maraming Empleyo.

Maging ang mga nasa ‘Blue Collar’ na klasipikado…

Huwag nawang mawawalan ng mga pagkakaabalahang proyekto.

 

Bakit nga ba mahalaga ang trabaho ng mga Mambabatas?

Sila kasi ang Sa mga Isyu ay dapat na Sanay at Mulat.

Sa pagsasaliksik ng kanilang mahuhusay na Staff

Nakabubuo sila ng mga desisyon para sa kapakanan ng lahat.

 

Sila ang bumabalangkas ng mga Panuntunan ng Lipunan

Nagtatakda ng mga Budget at iba’t ibang programs.

Sa kapulungan ng Kongreso sila ay naninindigan…

Nakikipag-debate sa pagsusulong ng batas para sa Bayan.

 

Kaya pagbati sa labindalawang mga bagong Senador…

Cynthia Villar, Grace Poe, Bong Go, Pia Cayetano at Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

Gayundin kina Sonny Angara, Lito Lapid, Imee Marcos, Francis Tolentino…

Koko Pimentel, Bong Revilla at Nancy Binay. Mabuhay po kayo!



(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)

Comments are closed.