TRABAHO NG OFWs SA HONG KONG ‘DI APEKTADO NG RALLY

hong kong rally

MAKARAAN ang mahigit dalawang buwan na linggo-linggong kilos-protesta, muling nagsalita ang Philippine diplomats na nakabase sa Hong Kong at sinabing walang direktang banta sa kaligtasan at trabaho ng overseas Filipino workers (OFWs) doon.

Ang pagtiyak ay kasunod ng mga ulat na posibleng ikonsidera ng Filipinas na pansamantalang i-ban ang pagpapadala ng OFW sa nasabing Chinese territory habang nanindigan na paiigtingin ang paalala sa Filipino roon na mag-ingat, huwag humalo sa raliyista at huwag magsuot ng kulay puti at itim kapag may kilos-protesta.

Noong Sabado ay nagtipon ang Filipino community sa Central Hong Kong at sinabi nila sa mga mamamahayag na maingat sila at doon lamang sa mga ligtas na lugar nagtutungo.

Batay sa datos ng Philippine Consulate, nasa 230,000 Filipino workers ang nasa Hong Kong, 95 percent ay mga kasambahay.

Sa ngayon, ayon pa sa mga diplomat, hindi kailangan ang deployment ban ng OFW  sa Hong Kong. PILIPINO MIRRO REPORTORIAL TEAM