INAASAHANG mabibigyan ng trabaho ang may 10,000 drivers at riders mula sa urban poor communities sa iba’t ibang panig ng bansa sa nakatakdang pirmahan ng memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Presidential Commission on Urban Poor (PCUP) at ng Grab Philippines sa Agosto 7, 2019.
Layon ng Grab at PCUP na makapaglaan ng livelihood opportunities sa mga may potensiyal na drivers, motorcycle riders, at bicycle riders sa urban poor communities.
Pangungunahan nina Grab Philippines President Brian Cu, Grab Philippines Country Advisor Chris Taylor, at PCUP Chairperson/CEO Alvin Feliciano at Commissioner Melvin Mitra ang paglagda sa kasunduan kung saan makakasama na ang Grab sa nationwide caravan ng PCUP bilang partner ng pamahalaan.
“As we continue to grow, offer new services, and delight more customers, we are humbled that we are in a rather unique position to influence inclusive growth across multiple sectors, and do our part to ease poverty in the urban communities of the Philippines. Grab has always committed itself to champion the best interests of the Filpino people, through our platform and the opportunities that come with our growth, every Filipinos’ success is a success for Grab,” pahayag ni Cu.
Makikiisa rin ang Grab sa caravan ng PCUP sa labas ng Metro Manila kung saan nabatid na may operasyon ang Grab sa mga lugar sa Baguio City, Pampanga, Cebu, Bacolod, Iloilo, Davao City, at Cagayan de Oro.
“Performing partners from PCUP-endorsed communities will be incentivized. The price of success is hard work — and with Grab, the perseverance of our partners is always being reciprocated,” dagdag pa ni Cu.
Positibo naman ang pananaw ni Feliciano sa naturang partnership, kung saan ang mga residente mula sa urban poor communities ay maaaring makapagproseso ng kanilang mga dokumento at makapamili ng mga employer o livelihood partner mula sa pribadong sektor katulad ng Grab.
“Hindi na tayo limitado sa paglalapit ng serbisyo ng gobyerno. Nililigawan na rin natin maging mga pribadong kompanya na gustong makatulong sa mahihirap. Ang target ng ating pamahalaan ay mabawasan ang kahirapan sa bansa kaya patuloy tayong naghahanap ng private partners para sama-sama nating iaangat ang antas ng pamumuhay nila,” ani Feliciano.
Pinasalamatan niya ang Grab sa nasabing plano para sa alternatibong livelihood opportunities sa mga urban poor community.
Sa naturang caravan, maaaring iproseso ng mga aplikante ang kanilang birth certificates, NBI clearances, at iba pang requirements para sa kanilang job application.
Ang naturang requirements ay kapareho sa mga hinihingi ng Grab mula sa TNVS drivers at delivery riders na ipoproseso bilang Grab partners. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.