INIHAYAG ng Philippine Overseas Labor Office ( POLO) sa Bahrain kay Labor and Employement Secretary Silvestre Bello III na bukas na ang nasabing bansa para sa pag-recruit ng mga domestic worker.
Sinabi ng Labor Market Regulatory Authority (LMRA) sa Kingdom of Bahrain, simula noong Lunes, Setyembre 14, inalis na nila ang pansamantalang suspensiyon sa pagkuha ng domestic workers makaraang ipahinto ito noong Marso dulot na rin ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa POLO , nagpasiya ang pamahalaan ng Bahrain na muling buksan ang pintuan para sa mga migrant worker na malaking tulong sa mga Pinoy na nagnanais na magtrabaho sa nasabing bansa
Gayunpaman, sinabi ng POLO na nagbigay ng babala ang LMRA na iwasang makipag transaksyon sa hindi lisensiyadong Domestic Expatriate Employees Employment Offices (DEEEOs) na nangangalap ng mga domestic worker.
“This is to ensure that mitigation measures against the spread of COVID-19 are strictly followed and workers’ rights are upheld and protected, giit ng POLO Bahrain
Ang babala ay kasunod na rin ng magkakasunod na raid na isinagawa ng LMRA at interior ministry sa 61 manpower agencies na kung saan nag-ooperate ang mga ito nang walang lisensiya. LIZA SORIANO
Comments are closed.