MARAMI pang trabaho sa construction sector ang magbubukas batay sa alokasyon para sa ‘Build Build Build Program’ sa panukalang P4.506-trillion 2021 national budget, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Sinabi ni DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay na ang track ng 2021 budget ay higit na magbibigay ng benepisyo sa construction sector.
“Kung titingnan natin ‘yung track ng pagba-budget ng pamahalaan next year and moving forward, karamihan po noon ay paukol doon sa construction sector,” ani Tutay.
Sa mga natapos na imprasttruktura sa ilalim ng building program ng pamahalaan, sinabi ni Tutay na mas maraming investors ang inaasahang papasok sa bansa kahit pagkatapos ng psndemya.
Samantala, mananatili naman aniyang in demand ang ‘high-level’ jobs sa information and communications technology at business processing management.
Sa panukalang budget na isinumite ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kamara noong Martes, ang education sector ang tatanggap ng pinakamalaking budget, na may kabuuang P754.4 billion, sumusunod ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na may P667.3 billion.
Kabilang din ang Department of Transportation (DOTr) at DOLE sa top 10 agencies na may pinakamalaking budget allocations.
Comments are closed.