TRABAHO SA GOV’T SA LUNES PINAIKLI

SINUSPINDE  ng Malacañang ang trabaho ng gobyerno sa executive branch sa Lunes. Setyembre 25, mula alas-3 ng hapon bilang pagdiriwang ng National Family Week.

Sa paglagda ng Memorandum Circular No. 32, hinikayat ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang mga empleyado ng gobyerno sa executive branch na “suportahan ang mga programa at aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng Family Week, na inorganisa ng National Committee on the Filipino Family.”

Ang mga ahensya o tanggapan na kasangkot sa paghahatid ng mga pangunahin at serbisyong pangkalusugan, kabilang ang paghahanda at pagtugon sa sakuna ay magpapatuloy pa rin sa operasyon at ibibigay ang kanilang mga gawain.

“Ang pagsususpinde ng trabaho sa lahat ng sangay ng gobyerno, sa mga independiyenteng komisyon o katawan, at sa pribadong sektor ay hinihikayat, upang mabigyan ng buong pagkakataon ang lahat ng pamilyang Pilipino na ipagdiwang ang ika-31 Pambansang Linggo ng Pamilya,” ayon sa memorandum.

Ang Proklamasyon Blg. 60 (s. 1992) ay idineklara tuwing huling linggo ng Setyembre bilang Linggo ng Pamilya.

Ang mga ahensya o tanggapan na kasangkot sa paghahatid ng mga pangunahing at serbisyong pangkalusugan, kabilang ang paghahanda at pagtugon sa sakuna ay magpapatuloy pa rin sa operasyon at ibibigay ang kanilang mga gawain.