TRABAHO SA INFRA PROJECTS PINABABALK NA NG SOLON

Infrastructure Projects

KASUNOD ng pagtatakda ng kaukulang health, safety at security protocols, hiniling ng senior vice-chairman ng House Committee on Public Works and Highways na payagan na ang pagtatrabaho sa government at private construction projects.

Ayon kay Construction Workers Solidarity (CWS) party-list Rep. Romeo Momo Sr., mula  nang ipatupad ang enhanced community quarantine, sa ha-nay pa lamang ng infrastructure projects ng pamahalaan ay nasa P120 bilyon na ang nawawala sa local construction business.

Giit ng CWS party-list lawmaker, kung hahayaang magpatuloy, may masama at direkta itong epekto sa inaasahang paglago ng ekonomiya ng bansa at may dala ring banta sa posibleng pagkawala ng nasa apat na milyong mga trabaho at iba pang livelihood opportunities.

Pagmamalaki ni Momo, ang construction sector ay lumago ng 10.9 percent noong  2019 at sa nakalipas na mga taon ay tuloy-tuloy na nagbibigay ng malaking ambag upang lalong tumatag ang ekonomiya ng bansa.

Kaya naman upang agad na umarangkada ang economic activities at magbalik sa paghahanapbuhay ang marami, na nakabimbin dahil sa implementa-syon ng COVID-19 pandemic dulot ng ECQ, iginiit niya na sa lalong madaling panahon ay payagan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagpapatuloy ng construction works hindi lamang sa mga proyekto ng gobyerno kundi maging sa pribadong sektor.

“We hope that the government can assure that our constituents in the construction industry, more particularly  the ordinary Filipino construction worker, can get back to work as soon as possible, as we stand in solidarity with the administration of President Duterte in putting an end to this very de-structive pandemic.” pahayag pa ng CWS party-list solon

Sinabi rin ni Momo na ipinauubuya niya sa karunungan at pagpapasiya  ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapin ng pagpapaliban umano sa nasa P30 bilyong  halaga ng infra projects upang gamitin muna ang pondo para sa mga ito sa anti-COVID-19 programs ng pamahalaan.

Ang iminumungkahi ng mambabatas na health, safety at security protocols ay maaaring magkatuwang na balangkasin ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Health (DOH).

Samantala, nanawagan naman si Momo sa mga local government official, maging sa Labor department, na tulungan ang mga stranded construction worker na pawang ‘no work, no pay’ kung kaya problemado ang mga ito sa pambili lalo ng kanilang pang-araw araw na pagkain habang tigil sila sa pag-tatrabaho.

Ang CWS party-list ay nakapagpaabot na ng food donations kung saan sa ‘first wave’ ng kanilang relief goods distibutiion ay nakatulong ito  sa ma-higit 4,000 stranded construction workers.

Habang ang mga susunod nilang paghahatid ng tulong na mga pagkain, ani Momo, ay target na maiparating sa higit 7,000 na karagdagang mga obrero na nasa iba’t ibang lugar sa Luzon, kabilang ang Metro Manila. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.