TRABAHO SA RETAIL SECTOR BUBUHOS SA PAGTAAS NG DEMAND HANGGANG KAPASKUHAN

PRA

MAS maraming trabaho ang maaaring magbukas sa retail sector sa pagtaas ng demand hanggang sa Kapaskuhan, ayon sa Philippine Retailers Association.

Sinabi ng PRA na ang kautusan kamakailan ng Department of Trade and Industry (DTI) na nagpapahintulot sa ilang industriya na mag-operate sa full capacity, kabilang ang malls, ay maaari ring makatulong sa industriya.

“It’s really a welcome note for us that slowly the economy is easing up. DTI was very supportive of the retailers, they allowed those that are restricted previously to operate. The economy is starting to beef up now…Definitely, if there’s economic activi­ty, there’s opportunity for everyone,” pahayag ni PRA president Rosemarie Ong.

“Whether you’re doing it online or you are doing it offline, because, let’s say, delivery, logistics companies, it will provide jobs. Whoever will fulfill the supply chain processes, warehouse people, logistics people, we need people to be able to perform all these different functional areas,” dagdag pa niya.

Magugunitang pinayagan ng DTI ang ilang negosyo na mag-operate sa full capacity, habang ang barbershops at salons ay 75 porsiyento sa mga lugar na nasa ilallm ng general communitu quarantine.

Comments are closed.