GUMUGULONG na sa Kamara ang panukalang batas upang makapagtrabaho ang mga senior citizen matapos itong aprubahan ng Joint Committees ng Committee on Way and Means chaired ni Albay 2nd District Representative Joey Sarte Salceda at Committee on Senior Citizens chaired ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo Ordanes.
Nagpahayag naman ng kagalakan si House Deputy Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre sa joint approval na isinagawa ng mga naturang komite sa mababang kapulungan sa “Senior Citizens the revenue provisions of the substitute bill opening employment opportunities for senior citizens”.
“First of all, magandang magandang panukala (ito). We’d like to thank the committees for acting on the proposal, and I think the Speaker has emphasized his position many times over this issue,” sabi ni Acidre.
Ang inaprubahan ng House Committee on Ways and Means at Committee on Senior ay ang “Revenue provisions of the unnumbered substitute bill proposing employment for able senior citizens”.
Ang panukalang “Employment Opportunities for Senior Citizens and Private Entities Incentives Act” ay bunga ng consolidation ng walong measures“ na naglalayong bigyan ang private enterprises na kukuha sa senior citizens ng 6 na buwan, at 25 percent tax deduction mula sa gross revenue para sa kabuuang sahod, benepisyo at trainings
Ang joint panel ay nagpatuloy rin ng kanilang meeting kasama ang Special Committee on Persons with Disabilities (PWDs) chaired ni Agusan del Sur 1st District Rep. Alfelito Bascug, kung saan ay naaprubahan din ang related substitute bills na House Bills 10061, 10062 and 10063.
Ang HB 10061 ay ang panukala naman na naglalayon ng “enhanced” discount para sa mga senior citizens at persons with disabilities o PWDs sa tuwing may bibilhin sila o gagamit ng mga serbisyo.
Kamakailan lamang ay inanunsyo ng pamahalaan ang pagdadagdag ng buwanang monthly discount na P500 sa mga bilihin ng senior citizens. Ma.Luisa Macabuhay-Garcia