KINUMPIRMA ni PSC Commissioner Arnold A. Agustin na may track events sa cycling sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
Ayon kay Agustin, sa katunayan ay kasalukuyang inaayos ang Amoranto Velodrome at matatapos ito bago ang pag-arangkada ng SEA Games.
“The velodrome is undergoing improvement and renovation and will be finished in time for the SEA Games,” sabi ni Agustin na pinawi ang ulat na walang track events sa SEA Games.
Sinabi ni Agustin na lahat ng pasilidad na pag-aari ng Philippine Sports Commission (PSC) ay gagamitin sa biennial meet, kasama ang Amoranto Velodrome.
Nasa ilalim ng pangangasiwa ni Agustin bilang engineer ang pagsasaayos sa sports facilities na pag-aari ng PSC.
Ang road race ay gagawin sa Tagaytay, tampok ang mahigit 100 cyclists, kasama ang national riders na magpapaligsahan sa tatlong events — massed start, individual time trial at team time trial.
Sinabi ni Agustin na ni-renovate din ang football field, bowling lanes at swimming pool sa Rizal Memorial Sports Complex, gayundin ang mga pasilidad sa Philsports sa Pasig City at Baguio kung saan nag-eensayo ang SEA Games-bound athletes.
“The football field, bowling lanes and the two swimming pools are international standards. We will renovate and improve their physical condition in time for the SEA Games,” aniya.
“It’s better to restore these facilities in good physical condition just in case other facilities are not ready,” sabi pa niya.
“We have our own duties and responsibilities primarily to ensure all the programs of PSC run smoothly. Supervising and maintaining the facilities is under my jurisdiction,” dagdag pa niya.
Bukod sa New Clark City Sports Complex, magiging venue rin sa SEAG ang Philippine Arena at ang Subic Freeport Zone para sa water sports. CLYDE MARIANO