BINIGYANG-DIIN ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon M. Lopez ang importansiya ng well-designed product packaging sa Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa huling bahagi ng Pack! Pinas roadshow na ginanap noong Mayo 29 sa Cavite.
“As part of the mandate given by President Rodrigo Duterte to help MSMEs, DTI is applying a 360-degree approach in MSME development,” sabi ni Secretary Lopez.
“Part of this is levelling up the product packaging, for it to standout in the market place. The packaging serves also as the advertising at the point of sale. MSMEs are not usually exposed to the latest trend, designs, and on how best to present and preserve product quality and they are often hampered by the required Minimum Order Quantity (MOQ) that limits their capability to improve their packaging, and these are the barriers being solved in these fora and expo”, paliwanag ni Lopez.
Ang Cavite ang naging final stop ng packaging roadshow. Ginanap ang Visayas leg sa Tacloban noong Mayo 3-4 na dinaluhan ng 508 sumali sa roadshow, 317 dito ay MSMEs. Samantala, dinaluhan naman ang Mindanao sa Cagayan de Oro City ng 720 kasali na 501 dito ay MSMEs.
Kahit natapos na ang roadshow siniguro ni Sec. Lopez ang MSMEs na muling magkakaroon at susundan agad ng ibang roadshow sa ibang rehiyon.
Sa layon na dalhin at ilapit ang packaging experts at suppliers sa MSMEs sa buong Pilipinas, binigyan ang mga bisita sa dalawang araw na okasyon sa Cavite ng business matching sessions; seminars on packaging, branding, and design; and workshops and interactive training sessions.
Nag-waive ang packaging suppliers na sumali ng kanilang required minimum order quantity noong dalawang araw na exhibit para sa MSMEs.
Inimbita rin ang Oryspa founder Sherill Quintana at Delfa’s Food Products owner Isabel Punzalan na magbahagi ng kanilang branding para mapalaki ang kanilang negosyo at magtagumpay sa international market.
Sinabi ni Quintana matapos ang 11 taon, nagtagumpay sila sa loob ng tatlong taon dahil nagdesisyon sila na maglagay ng brand. Samantala, binigyang-diin ni Punzalan na kailangan magkaroon ng international certifications tulad ng ISO, Halal, FDA, at iba pa kung gusto nila na ang produkto nila ay maging worldclass.
Tinutulungan ng DTI ang mga piling MSMEs na mapagbuti ang kanilang pagpapakete sa pamamagitan ng programang tulad ng Go Lokal! at One Town One Product (OTOP) Philippines, na gumagabay sa mga negosyante na mabago ang kanilang produkto at mabigyan sila ng daan sa merkado sa pamamagitan ng OTOP at Go Lokal! stores.
Ang Pack! Pinas ay isang mas malawak na approach para abutin ang daan-daang MSMEs sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.
Comments are closed.