TRADE DEFICIT NG PH LUMAKI ($4.6-B noong Mayo)

LUMOBO ang trade deficit ng bansa ng 4.5 percent noong Mayo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa datos na inilabas ng PSA nitong Miyerkoles, lumitaw na ang balance of trade in goods o ang pagkakaiba sa pagitan ng halaga ng exports at imports ay nasa USD4.6 billion, tumaas mula USD4.4 billion na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Ang exports ay umabot sa USD6.33 billion, bumaba ng 3.1 percent mula USD6.53 billion noong Mayo ng nakaraang taon.

“The commodity group with the highest annual decrement in the value of exports in May 2024 was electronic products with USD190.23 million,” sabi ng PSA.

Sinundan ito ng other mineral products na bumaba ng  USD43.66 million, at ignition wiring set and other wiring sets na ginagamit sa mga sasakyan, aircrafts at barko na may annual decline na USD29.54 million.

Samantala, ang total value ng imported goods ay nasa USD10.93 billion, bumaba ng 0.03 percent mula  USD10.933 billion noong Mayo ng nakaraang taon.

“In May 2024, the commodity group with the highest annual decrement in the value of imported goods was transport equipment with USD348.54 million. This was followed by other food and live animals, which decreased by USD62.73 million, and electronic products with an annual decline of USD54.87 million,” ayon sa PSA.

Ang United States ay nanatiling pinakamalaking export market ng bansa ($1.08 billion), sumunod ang Hong Kong ($904.79 million), Japan ($882.7 million), China ($847.12 billion) at Thailand ($267.14 million).

Samantala, ang pinakamalaking pinagkukunan ng imports ay ang China ($2.73. billion), sumunod ang Korea ($989.6 million), Indonesia ($972.15 million), United States ($6748.19 million), at Thailand ($707.44 million).