TRADE DEFICIT NG PH LUMAKI ($5.09-B noong Setyembre)

LUMOBO ang trade deficit ng bansa noong Setyembre, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa $5.09 billion, ang deficit ay tumaas mula $4.39 billion noong Agosto at mula $3.54 billion sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Sa datos ng PSA, ang total trade in goods ay bumaba sa $17.6 billion mula $17.89 billion noong Agosto ngunit mas mataas sa $17.09 billion noong September 2023.

Ang imports noong Setyembre ay tumaas sa 9.9 percent, mula 2.9 percent noong Agosto, sa $11.34 billion, subalit bumaba ang exports ng 7.6 percent sa $6.26 billion matapos ang 0.3-percent pagtaas noong Agosto.

Ang imports ay bumubuo sa 64.4 percent ng kabuuang external trade noong Setyembre, habang ang nalalabing 35.6 percent ay exports.

Year to date, ang imports ay tumaas ng 0.6 percent sa $95.07 billion mula $94.49 billion noong nakaraang taon, habang ang exports ay lumago ng 1.1 percent sa $55.67 billion mula $55.08 billion.

Ang electronics ay nanatiling top export ng bansa, na bumubuo sa $3.15 billion o 50.3 percent ng total exports para sa Setyembre.

Sumunod ang manufactured goods at mineral products sa $506.69 million at $330.23 million, ayon sa pagkakasunod.

Ang United States ang pinakamalaking buyer ng Philippine-made goods para sa buwan, na bumili ng $1.08 billion o 17.3 percent ng kabuuang exports.

Ang iba pa sa top five ay ang Hong Kong ($867.42 million o 13.9 percent), Japan ($847.47 million o 13.5 percent), China ($830.36 million o 13.3 percent) at Korea ($318.5 million o 5.1 percent).

Samantala, ang electronic products ang pinakamalaki ring import ng bansa para sa Setyembre sa $2.40 billion o 21.2 percent ng kabuuan.

Sumunod ang mineral fuels, lubricants and related materials followed sa $1.36 billion (12.0 percent), at transport equipment ($1.12 million, 9.9 percent).

Ang China ang pinakamalaking supplier ng bansa, na nagkaloob ng $2.84 billion na halaga ng goods o 25.0 percent ng kabuuang inbound shipments.

Sinundan ito ng Indonesia ($1.09 billion o 9.6 percent), Japan ($837.75 million o 7.4 percent), Korea ($784.65 million om6.9 percent) at Thailand ($735.58 million o 6.5 percent).