TRADE DEFICIT NG PH LUMIIT ($4.013-B noong Disyembre)

BUMABA ang trade deficit ng bansa noong Disyembre ng nakaraang taon, ayon sa  Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa preliminary data ng PSA ay lumitaw na ang balance of trade in goods ay nagtala ng $4.01-billion deficit noong Disyembre 2023, lumiir ng 11% mula sa $4.5-billion trade gap noong Disyembre 2022.

Mas mababa rin ito kumpara sa $4.729-billion trade deficit noong Nobyembre 2023.

Sa datos ng PSA, ang exports ng bansa ay nagtala ng year-on-year decline na 0.5% sa $5.78 billion mula  $5.81 billion noong Disyembre 2022, habang bumaba rin ang imports ng 5.1% year-on-year sa $9.79 billion mula $10.32 billion noong Disyembre 2022.

The commodity group with the highest annual decrease in the value of exports in December 2023 was other mineral products with $132.99 million. This was followed by machinery and transport equipment with an annual decline of $37.69 million, and electronic equipment and parts with an annual decrease of $24.69 million,” ayon sa PSA.

Ang Hong Kong ang main destination ng exports ng bansa na may pinakamataas na value na nagkakahalaga ng $951.14 million o share na 16.5% sa kabuuan.

Ang iba pa sa  top five major export trading partners ng bansa para sa Disyembre 2023  ay ang United States of America, $904.78 million (15.7%);       Japan,  $703.98 million (12.182%); People’s Republic of China, $703.89 million (12.180%); at  Republic of Korea, $325.53 million (5.6%). Samantala, ang commodity group na may pinakamataas na annual decrease sa halaga ng imported goods ay ang mineral fuels, lubricants and related materials na may $472.37 million.

Sinundan ito ng electronic products, na bumaba ng $328.45 million, at industrial machinery and equipment na may annual decrease na $48.99 million.

Ang People’s Republic of China ang pinakamalaking supplier ng imported goods ng bansa na nagkakahalaga ng $2.28 billion, na bumubuo sa 23.2% ng total imports ng bansa noong nakaraang buwan.

Ang top five major import trading partners ng bansa para sa Disyembre 2023 ay kinumpleto ng Japan, $825.23 million (8.43%); Indonesia, $823.18 million (8.41%);  USA, $748.89 million (7.6%); at  Thailand, $649.94 million (6.6%).