TRADE, ECONOMIC TIES PAIIGTINGIN NG PINAS, UAE

Ramon Lopez

TARGET ng Pilipinas at United Arab Emirates na pasiglahin pa ang trade at economic ties sa pagitan ng dalawang bansa ngayong taon.

Bumisita si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez sa Dubai noong nakaraang buwan mula sa imbitasyon ng Dubai Chamber of Commerce and Industry para sa Global Business Forum ASEAN.

Doon ay nagkaroon ng pagkakataon si Lopez na makausap ang kanyang UAE Ministerial counterpart, kung saan sinamahan siya ni Philippine Ambassador to the United Arab Emirates Hjayceelyn Quintana sa high-level exchanges sa sidelines ng Global Business Forum na ginanap sa Dubai Exhibition Center sa loob ng World Expo.

Sa bilateral meetings ay nakausap ni Lopez sina UAE Minister of State for Foreign Trade, Dr. Thani bin Ahmed Al Zeyoudi at Minister of State For Economic and Trade affairs ng UAE Foreign Ministry Ahmed bin Ali Al Sayegh.

Nangako ang dalawang UAE Ministers na aayusin na ang pinal na kasunduan para sa Promotion at Reciprocal Protection ng Investments, pagkakaroon ng bilateral economic partnership agreement, at pagpapatibay pa ng linkages sa pagitan ng business sectors ng dalawang bansa.