TRADE, ECONOMIC TIES PALALAKASIN NG PH, JAPAN

TUTUKLASIN ng Pilipinas at Japan ang pagtutulungan sa mga larangan ng  clean energy, trade, at investment, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Sinabi ng DTI na tinalakay nina Trade Secretary Alfredo Pascual at Japan’s Minister of Economy, Trade, and Industry Saito Ken ang potential areas of cooperation sa pagitan ng dalawang bansa sa sidelines ng  Indo-Pacific Economic Framework for Prosperity (IPEF) Ministerial Meeting sa Singapore noong nakaraang linggo.

“Building on the successful trilateral meeting between the United States, Japan, and the Philippines, we are eyeing more opportunities to strengthen our existing bilateral trade and economic partnership with Japan,” wika ni Pascual.

Sa naturang talakayan, sinabi ng DTI na winelcome ng dalawang trade chief ang mga oportunidad para sa  green transition.

Sa ministerial meeting ay ipinarating ng , Japanese side ang interes ng Japan Bank for International Cooperation (JBIC) na lumahok sa paglinang sa isang waste-to-energy project na makatutulong sa mga pagsisikap ng Pilipinas tungo sa clean energy transition.

Tinalakay rin ng dalawang bansa ang potential collaboration sa critical minerals sector, partikular sa pag-develop ng matibay at maaasahang global supply chains.

Ayon sa DTI, inihayag ng Pilipinas ang masidhing  interes nito sa paglahok sa Critical Minerals Agreement, na magpapalakas pa sa kooperasyon sa larangang ito.

Itinutulak din ng Pilipinas ang pagpapatuloy ng  General Review of the Philippines-Japan Economic Partnership Agreement (PJEPA), binigyang-diin na ang kasunduan ay naglalayong palawakin ang economic ties sa labas ng trade in goods, saklaw ang mga larangan ng services trade, digital economy, at sustainability.

Gayundin ay bukas si Pascual sa  open radio access network (O-RAN) initiative ng Japan, na nagpiprisinta sa kanilang mga plano upang palakasin ang digital capacities at magtayo ng isang  ORAN academy sa bansa.