TRADE, INVESTMENT PALALAKASIN NG PH, MALAYSIA

NAGPULONG kamakailan si Finance Secretary Ralph Recto at ang ambassador ng Malaysia sa Pilipinas upang talakayin kung paano pa palalakasin ang economic partnership ng dalawang bansa.

Sa isang post sa social media noong Huwebes, sinabi ng Department of Finance (DOF) na nakipagpulong si Recto kay Malaysian Ambassador to the Philippines Dato’ Abdul Malik Melvin Castelino upang talakayin ang ‘areas of strategic partnership’ noong June 10, 2024 sa tanggapan ng DOF sa Manila.

Pangunahing nakatuon ang talakayan sa pagpapalakas ng trade at investment sa pagitan ng Pilipinas at ng Malaysia, kung saan sinabi ni Recto na malaki ang potensiyal na lumago ang economic partnership ng dalawang bansa.

“We’re both committed to enhancing our economic relationship. It is our desire to improve both trade and investments between both countries,” sabi ni Recto sa isang Viber message sa Philippine News Agency.

Sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay lumitaw na sa unang apat na buwan ng taon, ang Malaysia ay 11th export market ng Pilipinas at  9th biggest source ng imports.

Ang Philippine exports sa Malaysia sa nasabing panahon ay nagkakahalaga ng USD735 million.

Samantala, ang total value ng imported goods ay umabot sa USD2.04 billion.

(PNA)