TRADE PACT NA SUPORTADO NG CHINA ISASAPINAL NA

Apisak Tantivorawong

ASAHAN na maisasapinal ngayong taon ang kasunduan ng Southeast Asian countries sa kalakalan na isinusulong ng China.

Ito ang magandang balita mula sa Thailand na chair ng  10 bansa sa ASEAN grouping.

Ang nasabing trade pact na suportado ng China ay ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).

Sinabi ni Apisak Tantivorawong na napakahalaga ng kasunduan na naglalayon ng proteksyon at paglaga sa kalakalan.

“The RCEP is very important for this area, especially at a time that protectionism is increasing in this world,” ayon kay Tan-tivorawong said, referring to the Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) pact.

Ang pulong ay ginawa sa Thailand at sinabing posibleng sa Nobyembre  ay maisapinal na ito.

“I’ve heard that we will finalize by November this year,” ayon kay Tantivorawong.

Ginawa ni Tantivorawong ang pahayag makaraan ang pulong ng finance ministers at central bank governors  ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)  sa northern province ng Thailand na Chiang Rai.

Nagsimula ang negosasyon sa RCEP noong 2012 na naglalayon ang paglikha ng free trade zone para sa 45 percent  ng world’s population para sa karagadagang kita subalit hindi kasama rito ang Estados Unidos.

Kasama naman sa makikinabang sa trade pact bilang ASEAN grouping ang Filipinas, Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Ma-laysia, Myanmar, Singapore, Thailand at Vietnam

“We reiterate our commitment to the pursuit of an integrated ASEAN to support economic growth and strengthen financial sta-bility in the region amidst heightened uncertainties arising from trade tension and policy adjustments of advanced economies,”  ayon pa sa Thailand official. EUNICE C.

Comments are closed.