Trade Policy, pananggalang sa Climate Change

ANG  trade policy ay batas na may kinalaman sa palitan ng goods o serbisyo na may kaugnayan sa pananalapi ng iba-ibang bansa, kasama na ang buwis, subsidiesa at import/export regulations. Sa biglang tingin, an oba ang kinalaman nito sa Climate Change? Bago natin ipaliwanag, alamin muna natin kung ano ang epekto nito.

Mas mainit na temperature ang unang epekto nito. Habang tumataas ang greenhouse gas concentration, ganoon din ang global surface temperature. Tumatagal ang tagtuyot, na ang kasunod ay matinding bagyo.

Dahil sa sobrang init, malaki rin ang posibilidad ng tsunami, nagkakaroon ng formation ng red tide, na ikinamamatay ng napakaraming species sa karagatan at kalupaan. Kinakapos rin ang suplay ng pagkain.

Nagkakasakit ang mga tao at hayop, at syempre, mas lumalala ang kahirapan.

Maraming mga lugar ang nakararanas ng pagbabago ngpanahon. Matinding bagyong hindi pa nararanasan kaylanman tulad ng Ondoy at Yolanda na umabot sa Signal No. 4, at napakatinding heatwaves na ikinamamatay ng may mga sakit sa puso at high blood.

Nagigig acidic din ang ulan kaya hindi na maaaring inumin ang ulan sa buwan ng Mayo. Mabilis matunaw ang yelo sa mga lugar na dating hindi naabot ng init ng araw, kaya tumataas ang sea level, at biglaan ding nagkakaroon ng buhawi at malakas na ulan kahit walang bagyo.

Apektado rin ng climate change ang ating buhay, bakit hindi? Liban sa mas mainit na temperature, pagbabago sa precipitation, pagtaas ng frequency o intensity ng matinding weather events, at pagtaas ng sea levels. Nakaaapekto ito sa ating kalusugan, dahil apektado ang ating pagkain, tubig na ating iniinom, at hanging ating hinihinga, bukod pa sa mainit na panahong hindi natin nakasanayan.

Pangkalahatan, natutunaw ang mga glaciers, pati na ang yeto sa Arctic Ocean sa paligid ng North Pole. Natutunaw rin ang permafrost na naglalabas ng methane, isang napakalakas na greenhouse gas, na nakasasama sa atmosphere.

Sa ganitong paraan nasisira ang ecosystem.

Pinakaapektado ng pagbabago ng panahon ang mga bata, nakatatanda at mga buntis, gayundin ang mga may kapansanan at may sakit.

Ngayon, paano makatutulong ang trade policy para malabanan ang pagbabago ng panahon.

Ayon sa Asian Development Bank (ADB) at World Trade Organization (WTO), mabisang pananggalang dito ang trade policy.

Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Allan Gepty na lalabas ang ang bagong Free Trade Agreements (FTAs) sa market access and rules upang mabigyan ng kunsiderasyon ang tinatawag na sustainable development, environmental stewardship, good governance, at social inclusion.

“Once limited to economic transactions, trade has become a cornerstone of development, driving economic growth and fostering prosperity for our people,” sabi pa ni Gepty.

Binigyang diin pa ni Gepty ang commitment ng Pilipinas sa paglalaan ng panahon sa sustainability principles sa paglikha at pagpapatupad ng trade policies.

“Sustainability demands that we consider business and profit, as well as the health of our ecosystems, the well-being of our communities, and the resilience of our societies,” the undersecretary said. “It requires us to recognize that prosperity needs a harmonious balance between environmental protection, social equity, and economic growth,” dagdag pa niya. NLVN