CAVITE – Rehas na bakal ang binagsakan ng 28-anyos na trader makaraang masakote ng mga awtoridad sa katoog shoplifting sa Puregold Price Club sa bahagi ng Barangay Panapaan 1, Bacoor City, Cavite kamakalawa ng gabi.
Pormal na kinasuhan sa Prosecutors Office ang suspek na si Andrea Yvanoff y Perez ng Dalanghita Street sa Champaca, Taguig City.
Base sa police report, pumasok ng Puregold at nagpanggap na kostumer ang suspek bago nangulimbat ng iba’t ibang can goods saka isinilid sa bitbit na shoulder bag.
Nagtuloy-tuloy na lumabas ang suspek na bitbit ang nakulimbat na can goods subalit namataan naman ng ladyguard na si Rhodora Delara makaraang hindi dumaan sa kahera ng Puregold supermarket.
Dito na sinita ni Delara saka nirekisa ang bitbit na bag ng suspek kung saan nadiskubre ang ilang can goods na nagkakahalaga ng P3,995.50.
Ikinatwiran naman ng suspek na nakaligtaan lamang magbayad sa kahera subalit binitbit na siya patungo sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon. MHAR BASCO
Comments are closed.