LAGUNA – BINAWIAN ng buhay habang ginagamot sa Perpetual Help Medical Center mula sa tama ng bala ang isang negosyante at live-in partner nito kamakalawa ng madaling araw.
Ayon sa ulat ni PLt. Col. Danilo Mendoza, hepe ng pulisya, nakilala ang biktimang si Julie Dantes, Secretary/Treasurer ng Olivares Homes at kinakasama nitong negosyante na si Roberto Alba, pawang mga residente sa Biñan City.
Base sa inisyal na ulat, lumilitaw na dakong alas-12:23 ng madaling araw nang maganap ang pananambang habang papauwi na ang mga biktima na lulan ng SUV.
Samantala, isa sa tinitingnan motibo ng pulisya na posible umanong may kinalaman aniya ito sa mga personal na gawain at negosyo ng biktimang si Alba habang patuloy pa rin ang isinasagawa nilang masusing imbestigasyon sa kaso at pagkakakilanlan sa mga suspek kung saan mabilisang tumakas makaraan ang pamamaril patungo sa hindi pa mabatid na lugar. DICK GARAY
Comments are closed.