TRADER NANGISAY SA PALAISDAAN

QUEZON- WALA ng buhay nang maiahon sa fish pond ang isang 30-anyos na negosyante makaraang makuryente habang nagkukumpuni ng mga linya sa Barangay Dalahican, Lucena City sa lalawigang ito ng lungsod na ito dakong ika-8 gabi ng Biyernes.

Nakilala ang biktima na si Robert Ortega, may- asawa at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa pahayag ni PCpl. Eduardo Nartea, imbestigador ng Lucena police station, nagkaroon umano ng brown- out sa lugar nina Ortega kung saan hagip ang kinaroroonan ng fish pond nito.

Mabilis umanong nagtungo ang biktima sa lugar at kinumpuni nito ang mga nakitang lagot na linya sa palaisdaan.

Base sa pahayag ng ilang helper ng palaisdaan lumusong umano sa tubig si Ortega sa pag- aakalang wala pa rin service ng kuryente, subalit bigla umano itong natumba sa tubig at nangisay.

Base naman sa pahayag sa pulisya ng mga kaanak ni Ortega, nag- alala umano sila makaraan ang dalawang oras na hindi pa ito bumabalik ng bahay.

Agad umano silang nagtungo sa palaisdaan at doon nakita ang biktima na nakalutang sa tubig.

Mabilis na isinugod sa.pagamutan ang biktima subalit binawian din ito ng buhay.
ARMAN CAMBE