PINAGSISIKAPAN ng mga mangagamot na makaligtas sa pagkapilay o mapinsala ang mga buto ng isang anim na buwang sanggol na nadamay nang pagbabarilin ang kanyang lolo ng mga hinihinalang riding in tandem suspect sa Prk. Tony ko, Brgy. Zone III, Koronadal City.
Sa imbestigasyon ng Koronadal PNP, sugatan din ang target ng asasinasyon na si Mario Arguez Liboon, 57-anyos, may asawa at isang negosyante; habang at kaniyang anim na buwang apo na si alyas Lina ay nahagip din ng punglo sa paa.
Lumabas sa pagsisiyasat na biglang sumulpot ang hindi pa nakikilalang gunman at agad na pinaputukan si Liboon na tinamaan sa kaniyang kanang binti, at nadamay rin ang sanggol na tinamaan naman sa kaniyang dalawang paa.
Hindi nagawang siguruhin na patay ang kanilang target at mabilis na tumakas ang mga suspek na sakay ng motorsiklo patungo sa inaaalam na direksyon gamit ang mga CCTV sa paligid matapos ang pamamaril.
Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng kalibre 45.
Kasalukuyang inoobserbahan pa ang sanggol habang nagpapagaling na sa isang pribadong ospital ang negosyante habang inaalam ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa naturang pamamaril. VERLIN RUIZ
Comments are closed.