HINIMOK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga negosyante na mamuhunan sa edukasyon, skills training, digitalization of processes, gayundin sa research and development para mapalakas ang domestic industries at mabawasan ang pagtitiwala sa imported goods.
Sa kanyang talumpati sa 11th Arangkada Philippines Forum 2022 sa Marriott Hotel sa Pasay City, sinabi ni Pangulong Marcos na ang main driver ng inflation ay nananatiling imported products, kahit na ikinokonsidera itong pampuno sa nagkukulang na produkto.
“So again, import substitution is still a good idea not only for foreign exchange reserve but also, so that we can keep our inflation rate down,” ayon sa Pangulo.
“So to aid the transition that we are talking about, I invite you to invest in key areas such as education and skills training; digitalization of processes; and research and development,” git ng Pangulong Marcos.
Sa panig ng pamahalaan, sinabi ng Pangulo na committed ito para maisulong ang economic growth, sa overall goals para ibsan ang poverty reduction at pagpapalakas ng job creation.
Nararamdaman na rin aniya ang pagsisikap ng pamahalaan para mapalakas ang economic growth sa pamamagitan ng pagpapaluwag ng travel at mobility restrictions, pagpapatupad ng economic reforms at pagsulong sa economic cooperation sa kalakalan at investment partners.
Pinuri rin ng Pangulo ang pagsisikap ng mga tauhan ng gobyerno para maramdaman ang ease of doing business gayundin ang public-private partnerships at mapasulong ang bureaucratic efficiency sa pamamagitan ng Information and Communication Technology (ICT) para sa development at digitalization.
“Rest assured, this government is united in ensuring that the Philippines will become a viable and sustainable destination for domestic and foreign investors,” ayon pa kay Marcos. EVELYN QUIROZ