TRADING SINUSPINDE

PSE

SINUSPINDE kahapon ang trading kapwa sa Philippine Stock Exchange (PSE) at sa Bankers Association of the Philippines (BAP) kasunod ng ashfall mula sa pagsabog ng Bulkang Taal.

Sa abiso ng PSE, walang clearing at settlement sa Securities Clearing Corporation of the Philippines.

“Please be advised that there will be no trading… today, January 13, 2020, to ensure the safety of employees and traders in light of the volcanic ash emission of Taal Volcano,” nakasaad sa advisory.

Nagpalabas ang BAP ng kaparehong abiso, at sinabing sarado ang spot trading kahapon.

“Banks are also encouraged to exercise Management discretion to ensure the safety and welfare of their people during this emergency situation brought about by Taal Volcanic eruption,” sabi ng BAP.

Itinaas na ang Alert level 4 kasunod ng pagsabog, nangangahulugan na posible ang ‘hazardous eruption’ sa mga susunod na oras.

Nakaapekto na rin ang ashfall sa Metro Manila at sa mga kalapit na lalawigan.

Comments are closed.