Nakababahala ang pagdami ng pagdadalang-tao ng mga kababaihang halos trese anyos lamang hanggang nineteen. Sa madaling sabi, teeage pregnancies. Halos hindi pa nae-enjoy ang kabataan, mapipilitan nang sumabak sa responsibilidad.
Hindi natin tinatawaran ang kakayahang magpamilya ng mga kabataan, lalo na ang millennials at Generation Z na siya ngayong nakararami sa bilang ng populasyon, ngunit napakalaking responsibilidad ng maging magulang. Sa napakabatang gulang na halos hindi pa alam kung paano ang tunay na takbo ng mundo, paano nila mapalalaki ang kanilang anak sa tamang paraan?
Oo, tama po, walang exact formula kung paano magpalaki ng anak. Maraming nakaaapekto sa kanilang paglaki – ngunit tandan din nating walang isinilang na masama. Ang sanggol ay parang isang puting puting papel na walang nakasulat, at kayo bilang magulang ang magsusulat kung ano ang inaakala ninyong tama, hanggang sa dumating sila sa tamang edad na kaya na nilang sumulat ng kanilang kapalaran.
Sa madaling sabi, sa mga unang taon ng buhay ng isang tao, magulang ang magdedesisyon kung ano ang nararapat sa kanila. Sakaling hindi nila alam kung ano ang gagawin, ano na ang mangyayari sa bata sa kanyang paglaki?
Sabi nga sa pelikula ni Vilma Santos, “Bata, bata, paano ka ginawa?”
Hindi scientific explanation ang sagot dito kung saan “nagtalik ang babae at lalaki, nagsanib ang egg cell at sperm, at nabuo ang bata.” Hindi po iyon. Ang itinatanong dito ay kung paano pinalaki upang maging mabuti at kapaki-pakinabang na tao ang isang bata. Ang pagiging magulang, lalo na ang pagiging ina, ay hindi lamang sa pagluluwal ng sanggol. Kung minsan nga, hindi maituturing na magulang ang inang nagsilang ngunit iniwan ang anak, o ang amang gustong matawag na daddy o tatay o itay, pero hindi naman ginampanan ang kanyang responsibilidad bilang ama.
Sasabihin ng iba, “kasi, bata pa, wala pa sa edad para maging magulang.”
Oh, shut up! Don’t give me that crap! Kaya mong gumawa ng bata, hindi mo kayang magkargo ng responsibilidad? Kung ganoon pala, bakit ka nag-anak? Napakaraming paraan para hindi mabuntis ang babae! Better yet, hindi mo pala kayang panindigan ang consequences, sana, hindi ka nagpadala sa tawag ng laman.
Curiosity? Curiosity kills the cat.
Sa kasalukuyan, nakababahala ang bilang ng teenage pregnancies sa Mindanao at Ilocos provinces.
Of course, may kinalaman ito sa tradisyon at kultura ng mga ethnic groups na naninirahan sa nasabing mga lugar, kung saan ang mga Muslim, Igorot, Agta, Mangyan, Aeta at iba pa ay ipinagkakasundo ang kanilang mga anak na ipakasal sa sandalling ang batang babae ay magkaroon na ng buwanang dalaw.
May mga kababaihang siyam na taon pa lamang ay nagkakaregla na. Sa madaling sabi, sa susunod na taon, kung saan sampung taon pa lamang ang bata, ay ikakasal na siya sa lalaking napili ng kanyang magulang. Kung ang napili ng magulang ay kaedad lamang ng bata, walang problema dahil siguradong kapwa wala pa silang alam sa kamunduhan. Maghihintay sila ng panahon upang magig handa ang isip at katawan sa pakikipagtalik, ngunit paano kung ang Napili ng mauling ay mas matanda ng sampung taon o higit pa?
Dahil kasal na, karapatan ng lalaking makipagtalik sa kanyang asawa – asawang ang alam lamang ay makipaglaro at marahil, ni hindi pa nakakaranas magkaroon ng crushes. Isipin na lamang kung ano ang mangyayari sakaling mabuntis ang isang batang sampung taong gulang! Magiging ina siya sa gulang na 11, at magiging responsible sa paghubog sa pagkatao ng isang sanggol. Iyon ay kung makaliligtas siya sa hirap ng panganganak.
Hindi pa handa ang katawan ng isang bata upang magdala sa sinapupunan ng isang buhay. Ito ang dahilan kaya mataas ang death rate sa Mindanao at Ilocos.
Paano mareresolba ang problemang ito?
Edukasyon ang pinakamabisang paraan upang maipaalam sa lahat na hindi makabubuti sa kababaihan ang pagbubuntis ng maaga. Sa ngayon, marahil ay hindi pa napapanahon upang lunasan ang problemang ito, ngunit sa mga darating na taon, marahil ay mamumulat din ang kanilang mga mata. NLVN