TRAFFIC ENFORCER HULI SA EXTORTION

MMDA TRAFFIC ENFORCER-2

PASAY CITY – ARESTADO ang isang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) sa kasong pangingikil sa Malibay.

Sa ulat na nakarating sa PILIPINO Mirror, alas-9 ng umaga kahapon nang arestuhin sa entrapment operation ng PNP Counter Intelligence Task Force si Emilio Guinto, MMDA Traffic Enforcer sa tapat ng isang drug store sa EDSA.

Nag-ugat ang pagdakip sa traffic enforcer nang tumanggap siya ng P5,000 marked money sa complainant.

Una nang dumulog sa CITF ang complainant na sina Herbert Natividad at Van Lester Dimanlibag na pawang empleyado ng New Oriental Club sa Pasay City.

Sa salaysay ng dalawa, noong October 18, nang hulihin si Dimanlig dahil colorum umano ang sasakyan nito at upang hindi na dakpin ay humingi umano ng P5,000.

Dahil sa mga oras na iyon ay walang pera si Dimanlig ay ipinakausap sa kanilang team leader na si Natividad na nakipagkasundo na ibibigay na lang sa ­Oktubre 20 kung kailan dinakip si ­Guinto.      ROSE LARA

Comments are closed.