TRAFFIC ENFORCER NABUNDOL NG PARAK

nasagasaan

DAVAO CITY – DEAD on the spot ang isang  traffic enforcer na rumiresponde sa isang vehicular accident matapos mahagip ng rumaragasang sasakyan ng pulis kamakalawa ng hapon.

Agad na binawian ng buhay si Rey Sison matapos mabundol ng  sports utility vehicle (SUV) na minamaneho ng isang pulis.

Kinakausap ng biktima ang dalawang partido na sangkot sa naganap na traffic accident na kanyang nirespondehan sa bypass road ng Barangay Maa nang maganap ang panibagong sakuna.

Nahagip si Sison ng dumaraan na SUV at dahil sa bilis ng takbo nito at lakas ng naging impact ay tumilapon ang traffic enforcer sa isang van na iniimbestigahan nito.

Agad namang sumuko ang pulis na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide. VERLIN RUIZ

Comments are closed.