(Traffic rerouting, parking management ipatutupad ng MMDA) BAGONG PILIPINAS KICK OFF RALLY ILULUNSAD SA LUNETA

MAGPAPATUPAD ng traffic rerouting at parking management ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Quirino Grandstand para sa “Bagong Pilipinas” kick off Rally sa darating na Linggo.

Isasara ang mga sumusunod na kalsada simula alas-10 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi: Roxas Blvd. mula UN Avenue hanggang P. Burgos Ave. ;
-TM Kalaw – magkabilang Gilid mula sa Roxas Blvd. hanggang Taft Ave.;
-P. Burgos Avenue – magkabilang Gilid at -Finance Road; Ma. Orosa Street ;
-Bonifacio Drive – mula sa Anda Circle hanggang P. Burgos Ave.

Payo ng MMDA sa mga motorista na iwasan ang Rizal Park at lahat ng kalsadang patungo sa venue at gumamit ng mga alternatibong ruta.

Para sa mga sasakyang patungong North: Mula sa Roxas Blvd., kumanan sa Quirino Avenue o U.N. Avenue, kumaliwa sa Taft Avenue patungo sa destinasyon.

Mga sasakyang patungo ng South:
Mula R-10 papuntang Bonifacio Drive papuntang Anda Circle, kumaliwa sa Soriano Avenue, kumanan sa Muralla Street, kaliwa sa Magallanes Drive, kumanan sa P. Burgos Avenue hanggang Taft Avenue papunta sa destinasyon.

Para sa mga truck na patungong North at South directions: Ang mga trak na papunta sa North Harbor- mula SLEX ay dumiretso sa Osmeña Highway, kumanan sa Quirino Avenue, diretso sa Nagtahan St., papunta sa Lacson Avenue, kaliwa sa Yuseco St., at diretso sa Capulong St., kumanan sa R-10 Daan patungo sa destinasyon.

Habang ang mga trak na manggagaling sa Parañaque Area, kumanan sa Quirino Avenue hanggang Nagtahan St. pagkatapos Lacson Avenue hanggang sa destinasyon.

Maglalagay ang MMDA ng kabuuang 914 na tauhan na binubuo ng mga traffic personnel, road emergency group, sidewalk clearing operations, towing at impounding, atbp. para tumulong sa traffic management at magbigay ng tulong sa mga motorista at sa pangkalahatang publiko.

Ang mga ambulansya, tow truck, mobile patrol units, motorcycle units, at flood mitigation equipment, bukod sa iba pa, ay ipapadala rin sa mga itinalagang ruta.

Ang mga Boulevard, Avenue at iba pang kalsada sa Maynila, Pasay, at Paranaque ay itinalaga bilang parking area ng mga bus at sasakyan.

Isasagawa ang clearing operation para sa anumang sagabal bago ang kaganapan.

Ang mga planong itinakda para sa kaganapan ay sa pakikipag-ugnayan ng Presidential Communications Office, Department of Interior and Local Government(DILG) , Manila Police District (MPD) , mga local government units ng Manila, Pasay, at Parañaque, ang National Parks Development Committee, Cultural Center of the Philippines Complex, at iba pang stakeholder. CRISPIN RIZAL