TRAFFIC SA EDSA ASAHAN SA CLOSING NG SEAG

edsa

POSIBLENG  bumigat ang trapiko sa EDSA at iba pang mga pangunahing lansangan sa Metro Manila ngayong araw  dahil  sa pag-tatapos ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Inihayag ng  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi bababa sa 114 bus at iba pang mga sasakyan ng SEA Games delegates ang bibiyahe mula sa kanilang mga hotel sa iba-ibang panig ng Metro Manila papuntang New Clark City sa Tarlac kung saan idaraos ang  closing ceremony ng palaro.

Gagamitin ang mga yellow lane, inserts patungo sa mga flyover, at mga tunnel at underpass sa EDSA.

Pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na iwasan ang yellow lane para bigyang daan ang mga convoy.

Mula nang buksan ang SEA Games noong Nobyembre 30 ay  nagpatupad ang MMDA ng stop-and-go traffic scheme sa EDSA at iba pang mga kalsada sa Metro Manila para sa mga delegado ng palaro.

Comments are closed.