TRAHEDYA SA KARAGATAN: 7 MALAYSIAN, 3 PINOY NASAGIP

NAGING masaya ang Kapaskuhan para sa pitong Malaysian nationals at tatlong Pilipino nang masagip sila ng mga tauhan ng Littoral Mission Ship Bongao ng Philippine Navy sa magkahiwalay na lugar sa karagatan ng Tawi-Tawi nitong Sabado.

Ayon kay Brig. Gen. Romeo Racadio, Commander ng Joint Task Force Tawi-Tawi, walo sa sampung naligtas na indibidwal ay mula sa MV Belait Surita na naglalayag mula sa Sandakan, Malaysia patungo ng Talabtab, Malaysia nang biglang nagkaroon ng pipe explosion sa sinasakyan nilang barko.

Habang ang dalawa pang nailigtas na mga Pilipino ay sakay ng bangka na nagka-aberya dahil sa sama ng panahon, habang patungo ng Bongao, Tawi-Tawi, mula sa Tahaw Island, Tawi-Tawi.

Sinabi ni Racadio, unang naligtas ang apat na indibidwal na sakay ng isang life raft na natagpuan sa karagatan ng isang Liberia-flagged bulk carrier na Falcon Triumph nitong Bisperas ng Pasko.

Kasunod namang nailigtas ang anim pang indibidwal mula sa Panama-flagged tanker vessel na High Adventure, na nakitang palutang-lutang sa karagatan malapit sa unang lokasyon.

Base sa report mula Naval Forces Western Mindanao, natanggap ng LMS Bongao ang impormasyon sa pamamagitan ng Marine Band Radio mula sa mga tripulante ng Liberia-flagged bulk carrier Falcon Triumph na nagsasabing habang naglalayag sila sa dagat sakop ng Tawi-Tawi waters ay namataan nila ang apat na taong sakay ng isang life boat.

“Navy troops immediately responded and rescued the distressed individuals. Of the ten rescued, seven are Malaysian nationals and three are Filipinos, sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Navy Flag Office in Command Vice Admiral Toribio D Adaci Jr. VERLIN RUIZ