CAMARINES SUR- Umaabot sa 14-katao ang sinalubong ni kamatayan kasama ang babaeng ikakasal habang 37 iba pa ang nasugatan makaraang mawalan ng preno saka bumaliktad ang sinasakyang truck sa bahagi ng highway sa Barangay Tagpocol sa bayan ng San Fernando, Sabado ng hapon.
Kabilang sa namatay ay sina Ailene Mirasol Peláez, 48; Ramona Peláez, 53; Sherwin Mendosa,18; Pedro Pelaez, Erwin Mendosa at Victoria Delos Reyes, 35, pawang residente ng Brgy. Magsayo at Brgy. Grijalvo; Minda Sesiñano, Ramil Serrano, Marvin Chavez, Monalie Tariman, Mark Pelaez, Edcel Regodon, Agnes Farol at ang nakatakdang ikasal na si Bea Lucilo,16, ng Brgy.Ngaran.
Samantala, sugatang naisugod sa Bicol Medical Center sa Naga City ang mga biktimang sina Jomarie Ercia, Gladys Protuguese, Mike Pelaez, Carol Noble, Aiza Farol, Restituto Farol, Ruben Farol, Marlon Bosito, Salve Pelaez, Floriano Pelaez, Richly Floriano, Marisol Pelaez, Judian Cortez, Mario Jacobo, Jumar Solo, Judith Portuguese, Glydel Mendosa, Maryjane Jacobo, Florian Alde, Joy Reyes, John Cedrick Bosito, Christopher Capin, Frederick Delos Reyes, Shailin Pelaez, Sherwin Mendosa, Melody Cafe, Christoper Cafe, Prences Quiom, Jeffrey Bosito, Alvin Mangozo, Janica Mirasol, Shaina Cortez, Laiza Cortez, Menchie Pelaez, Mark Anthony Lucilo, Monalie Mayores at si Mercy Lunas.
Base sa police report, pauwi na sa Barangay San Joaquin ang mga biktimang magkakamag-anak mula sa pamamanhikan sa Brgy. Ngaran lulan ng Foton Truck na ninamaneho ni Mario Jacobo na may plakang GC-2316 at sinasabing pag-aari ng lokal na pamahalaan ng San Fernando nang mawalan ito ng preno.
Nagpagiwang-giwang ang trak sa palusong na bahagi ng highway bago rumampa sa gilid saka bumaliktad ng ilang beses pasaba kung saan tumalsik ang mga biktima.
Karamihan sa mga biktima ay nadaganan ng trak habang ang iba naman ay kaagad na sinaklolohan ng mga residente saka naisugod sa nabanggit na pagamutan.
Nabatid kay P/Master Sgt.Victor Silao ng San Fernando Police, hindi nakasama ang mapapangasawa ni Bea Lucilo dahil sa nagpaiwan ito sa bahay ng mapapangasawa makaraang hindi magkasya sa overloaded na trak. MHAR BASCO
Comments are closed.