TRAIN 2 IBABASURA

REP Dakila Cua

NAGBANTA  si House Committee on Ways and Means Chairman Dakila Cua na hindi aaprubahan ang ikalawang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN)  kung hindi mailalatag ng maayos at maipatutupad ang implementing rules and regulations para sa social benefits sa ilalim ng unang TRAIN law.

Ito ay matapos mabulgar na hindi pa lubos na naipapatupad ang social benefits programs sa ilalim ng TRAIN.

Sa pagdinig ng komite, inamin ng gobyerno na hindi pa nauumpisahan ang pamamahagi ng P200 na voucher para sa Pantawid Pasada ng mga pampasaherong jeep.

Maliban dito, hindi pa rin naipamamahagi ang unconditional cash transfer sa kabuuang 10 milyong pamilya na target nito.

Sinabi ni BIR Operations Group Arnel Guballa na patuloy pa rin nilang pinag-aaralan ang social benefits sa ilalim ng TRAIN.    CONDE BATAC

2 thoughts on “TRAIN 2 IBABASURA”

Comments are closed.