TRAIN 2 IEENDORSO NA NG SENADO

Senate President Vicente Sotto III-3

IEENDORSO  ni Senate President Vicente Sotto ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN 2) dahil naintindihan na niya ito kaya aarangkada na sa Senado ang ikalawang yugto nito.

Ayon sa senador, naipaliwanag nang maayos ng Department of Finance (DOF) na hindi mahihirapan dito ang mahihirap dahil malalaking negosyo lang ang puntiryang singilin ng mala­king buwis.

Matatandaang sinabi ni Sotto na mahihirapang umusad sa Senado ang TRAIN 2 dahil alanganin umano rito ang mga senador na nadala na sa TRAIN 1 na naging dahilan ng pagtaas ng inflation o presyo ng mga pangunahing bilihin.

“Kaya kailangang tibayan namin ang dibdib namin dahil magla-lobby ang malalaking korporasyon d’yan,” ani Sotto.

Base sa panukalang batas na inihain ng senador, ibababa sa 25% ang 30% kasalukuyang corporate income tax, pero babawasan ang mga tax incentive, tulad ng exemption sa value added tax (VAT) na matagal nang pinagpapasasaan ng malalaking korporasyon.  VICKY CERVALES

Comments are closed.