TRAIN 2 IPALIWANAG NG DOF

senate president vicente sotto

IGINIIT ni Senate President Vicente Sotto III na dapat ipaliwanag ng mabuti ng Department of Finance (DOF) ang ikalawang package ng Tax Reform Program para makumbinsi ang mga senador na suportahan ang panukala.

Aminado si Sotto na karamihan sa kanyang mga kapwa senador ay may alinlangan sa pagsusulong ng Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) 2 kahit binanggit ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA).

Sa ilalim ng TRAIN 2, bababaan ang corporate income tax sa 25% mula sa kasalukuyang 20% at magbibigay ng rational fiscal incentives sa mga malalaking negos­yo.

Kumbinsido naman ang DOF na mapapaliwanagan nila ang mga senador sa kahalagahan ng TRAIN 2.

Ayon kay Finance Assistant Secretary Tony Lambino, aminado silang kulang pa ang nagagawa nilang pagpapaliwanag sa mga senador at kailangang paigtingin pa at galingan.

Batid din ni Lambino na may grupong may ibang interes ang nagsasagawa ng propaganda sa Senado laban sa TRAIN 2.

Pero tiwala ang opisyal na uusad ito at mapapagtibay sa Disyembre gaya ng nangyari sa TRAIN Law 1 na dumaan din sa butas ng karayom bago ganap na naging batas.

Magugunitang malamig ang mga senador sa ikalawang tax reform package at walang gustong mag-isponsor.

Comments are closed.