POSITIBO ang Department of Finance (DOF) na makalulusot ang second package ng comprehensive tax reform program sa 17th Congress sa kabila ng pagtutol dito ng ilang senador.
“I think within this Congress the chances are still good,” wika ni Finance Undersecretary Karl Chua.
Gayunman, sinabi ni Chua na ang second tax reform package ay hindi maipapasa ngayong taon.
“We are honestly short of time kasi eight weeks na lang ang natitira before the campaign season starts,” aniya.
Aniya, doble kayod ngayon ang tax reform team ng DOF upang maipaliwanag ang mga benepisyo ng second tax reform pack-age.
Layunin ng second package ng comprehensive tax reform program na mabawasan ang corporate income tax (CIT) rates at ma-rationalize ang fiscal incentives.
Nais ng administrasyong Duterte na mapawalang-bisa ang 123 batas ay mapagsama-sama ang mga ito sa isang omnibus incentive code.
“The key is continuous dialogue and communications to convince the lawmakers,” ani Chua.
Nauna nang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na mahihirapang makalusot sa Senado ang second tax reform measure.
Comments are closed.