LUSOT na sa House Committee on Ways and Means ang consolidated version ng ikalawang bahagi ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN 2.
Binigyan ng bagong pangalan ang TRAIN 2 na tatawagin ng Tax Reform for Attracting Better ang High-quality Opportunities o TRABAHO.
Nagmosyon si Albay Rep. Joey Salceda na aprubahan na ang TRAIN 2 na sinegundahan naman ni Parañaque Rep. Gus Tambunting.
Sa ilalim ng ipinasang TRAIN 2, ibababa sa 20% ang corporate income tax ng mga kompanya mula sa kasalukuyang 30%.
Sisimulan ang pagbaba sa corporate income tax sa 2021 kung saan 2% muna ang ibabawas sa kada taon hanggang sa tuluyang maibaba na ang corporate income tax sa 20%.
Ipapatupad din ang rationalization ng fiscal incentives na ibinibigay sa mga negosyo kasama rito ang incentives na iginawad sa ilalim ng 123 special laws.
Ang insentibo ay titiyaking maibibigay sa mga karapat-dapat na negosyo at sa mga nagsisimula pa lamang na lumagong negosyo.
Batay sa data, nasa 57% ng mga kompanya na matagal na sa negosyo ang nakatatanggap pa rin ng insentibo mula sa pamahalaan habang 43% naman ng mga kompanya o negosyo ang nangangailangan ng tulong at proteksiyon para sa pag-asenso. CONDE BATAC