PASADO na sa ikalawang pagbasa ang House Bill 8083 o ang TRAIN 2 na mas kilala bilang TRABAHO Bill.
Ito ang ikalawang tax reform package ng Duterte administration.
Sa ilalim ng TRAIN 2 o TRABAHO bill, ibababa sa 20 porsiyento ang corporate income tax ng mga kompanya mula sa kasalukuyang 30 porsiyento.
Sisimulan itong ipatupad sa 2021 kung saan 2 porsiyento ang bawas kada taon hanggang tuluyang maibaba sa 20 porsiyento.
Sa ilalim ng panukala ay ira-rationalize din ang mga insentibo na ibinibigay sa mga negosyo para sa karapat-dapat na kompanya.
Kasama rito ang mga insentibo na iginawad sa ilalim ng 123 special laws.
Ang insentibo ay ibinibigay ng gobyerno para tulungan ang mga nagsisimulang negosyo na lumago.
Subalit base sa datos, 57 porsiyento ng mga kompanya na may insentibo ngayon ay wala na sa tinatawag na infancy stage o matagal na sa negosyo habang 43 porsiyento naman ang sinasabing nangangailangan ng tulong o proteksiyon. CONDE BATAC
Comments are closed.