TRAIN REVENUES PUMALO SA P68.4-B

TRAIN REVENUES

UMANI ang mga Filipino taxpayer ng cash bonanza na P111.7 billion sa personal income tax (PIT) cuts noong 2018 sa pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law,  ang first package ng Comprehensive Tax Reform Program (CTRP) ng administrasyong Duterte, ayon sa Department of Finance (DOF).

Sa executive committee (Execom) meeting ng DOF kamakailan,  iniulat din ng Strategy, Economics, and Results Group (SERG), sa pangunguna ni Undersecretary Karl Chua, na ang TRAIN revenues ay umabot sa P68.4 billion, mas mataas ng P5.1 billion o 8.1 percent sa full-year target na P63.3 billion.

“The largest gains were seen in tobacco excise, auto excise, and documentary stamp tax collections. PIT collections were also higher than expected due to better compliance and an increase in the number of registered taxpayers. Taken together, these highest gainers contributed about PHP51.5 billion of the PHP68.4 billion of additional revenue from TRAIN,” ayon sa report ng SERG.

Ang auto excise tax revenue ay mas mataas din sa target ng P6.2 billion sa likod ng mas mataas na purchasing power para sa mga sasakyan.

Ang documentary stamp tax revenue ay mas mataas din sa target ng P4.7 billion dahil sa mas malaking transactions value at mas mahusay na pangongolekta.

“Accounting for VAT from additional spending, estimated at PHP24.6 billion, which was due to additional take-home pay as a result of lower personal income taxes, TRAIN revenue has far exceeded its target, providing additional public resources for infrastructure and human capital development programs,” nakasaad pa sa report ng SERG.

Sa inisyal na pagtaya ng DOF, ang implementasyon ng TRAIN ay nagbigay ng combined P12 billion per month sa karagdagang kita sa individual taxpayers ng bansa, karamihan sa kanila ay compensation earners, at sa unconditional cash transfers sa pinakamahihirap na pamilya at senior pensioners.

“With TRAIN, taxpayers with a net taxable income of PHP250,000 and below are exempted from paying personal income taxes. Those earning less than PHP8 million annually also get PIT cuts under TRAIN.”

Sinabi ni Assistant Secretary Antonio Lambino II na ang mala­king pagtaas sa retail sales — sa malls, restaurants, at iba pang dining places – makaraang magkabisa ang batas noong Enero 2018 ay nagpapakita ng mas mataas na purchasing power ng mga consumer dahil ang TRAIN law ay naglalagay ng mas maraming pera sa bulsa ng  99 percent ng Filipino income taxpayers.

“The significant growth in sales reported by retail establishments and restaurants point to the fact that people now have more money to spend as a result of the hefty PIT cuts under TRAIN, which is now benefiting 99 percent of our taxpayers,” ani Lambino. PNA

Comments are closed.