BINABALAK na ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila na magkaroon ng light train o isang sky shuttle sa Manila Zoo na maaring maglibot sa mga namamasyal o bibisita sa 5.5 hektaryang lawak ng zoo.
Kasama sa plano ang paglalagay ng mono-rail sa rebranding at rebuilding ng pinamatandang zoo sa bansa.
Ang pagpapaganda at pagbuhay sa Manila Zoo ay kabilang sa proyekto ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kasunod ng paglagda sa isang loan agreement sa pagitan ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila at Land Bank of the Philippines.
“The Sky Shuttle People will take people around the Manila Zoo so they will be able to see the animals and zoo attractions on the ground and above ground,” pahayag ng alkalde sa mga opisyal ng Land Bank.
Sa nasabing kasunduan, magbibigay ng P10 bilyon loan ang Land Bank sa pamahalaang lungsod upang tustosan ang mga pangunahing proyekto kabilang na ang Manila Zoo at pabahay para sa mga mahihirap.
Nauna nang sinabi ng alaklde na nais nitong maibalik ang ganda ng isa sa pi akamalakung tourist attraction sa bansa na isa ring family-oriented venue o pasyalan ng bawat pamilya.
Ang paglalagay ng monorail ay layon na maikot ng mga namamasyal ang buong zoo tulad ng ilang major zoos sa buong mundo. PAUL ROLDAN
Comments are closed.