TRAIN TO BICOL

train to bicol

Special Report ni EUNICE CALMA-CELARIO

PUSPUSAN ang ginagawang hakbang ng Duterte administration para lumuwag at bumilis ang biyahe palabas ng Metro Manila.

Kamakailan ay inanunsiyo ng Philippine National Railways (PNR) ang matagumpay na test run ng kanilang yunit mula PNR South Long haul line o  (Manila – Bicol Region)  na may layong 653 kilometers.

Sinasabing alinsunod ito sa muling pagbuhay ng Bicol Express line.

PINABILIS NA BIYAHE

Kung dati ay umaabot sa 13 oras ang biyahe patungong Bicol mula Tutuban, Manila, ngayon ay mas mabilis ito ng tatlong oras.

Ang impormasyon ay batay sa four-day inspection round-trip sa pagitan ng Maynila at Bicol region.

“Things are looking up for Filipino commuters as the PNR continues to extend its services farther down south of the metro,” ayon sa statement ng public mass transport.

Naging basehan naman ng Department of Transportation (DOTr)  ang ulat na nagsagawa sila ng inspection trip kung saan umalis sa Maynila ang yunit ng PNR noong Setyembre 20 patungong Bicol at nakabalik sa Maynilla ng Setyembre 23.

“The return trip from Naga to Tutuban took only 12 hours and 44 minutes in total—or three hours faster than the usual trip across the same route,” ayon sa DOTr.

Napapanahon naman ang mabilis na biyahe dahil ngayong marami ang nagnanais na mag-Pasko sa kanilang mga mahal sa buhay sa Bicol.

SOBRANG PAG-IINGAT

Panawagan naman ng DOTR at iba pang awtoridad gaya ng Philippine National Police-Highway Patrol Group na doblehin ang pag-iingat sa biyahe.

5 thoughts on “TRAIN TO BICOL”

  1. 843397 752589Following study a couple of with the content for your site now, i genuinely as if your technique of blogging. I bookmarked it to my bookmark internet site list and are checking back soon. Pls have a appear at my site too and told me in the event you agree. 892870

Comments are closed.