QUEZON CITY – KINUMPIRMA ni Interior Secretary Eduardo Año na patuloy pa rin nilang pinaghahanap ang ilang trained suicide bombers na naka puslit sa bansa.
Ayon kay Año nanatiling naka-heightened alert ang puwersa ng gobyerno sa Mindanao partikular sa Sulu, Basilan, Cotabato at Zamboanga.
“Kasi mayroon pa tayong foreign terrorists na hinahanapan trained suicide bombers, hangga’t ‘di natin na-neu-neutralized itong mga ito ‘di natin masasabing safe talaga completely ‘yung ating key cities in Mindanao,” paliwanag pa ni Año.
Kinatigan din ni Año ang inihayag ng Pentagon sa ginanap na U.S. congress hearing na seryoso ang problema ng ISIS sa Filipinas.
Tiniyak naman ng kalihim na ginagawa lahat ng AFP at PNP para manutralisa and mga foreign terrorist.
Muli ring kinumpirma ng kalihim ang matagal ng paninirahan ng ilang Arab/Yemeni national na kabilang sa mga pinaghahanap at nakapag-asawa na ng isang Tausug.
“Close cooperation with Indonesia, Malaysia and of course… and then we have already alerted all agencies involving counter terrorism particu-larly BI, NBI, PNP, BOC so maganda naman ang ating inter-agency collaboration, mga hakbang na ginagawa ng gobyerno para masupil ang mga foreign terrorist. VERLIN RUIZ
Comments are closed.