TRAINING AIRCRAFT BUMAGSAK, 2 SAKAY LIGTAS

Aircraft

TARLAC – ISANG C-172 training aircraft ng Alpha Aviation ang bumagsak sa lalawigang ito habang pabalik na sa  Clark International Airport s sa Pampanga kahapon ng umaga.

Batay sa ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), lumipad ang eroplano dakong alas-7:30 umaga sa nabanggit na paliparan.

Mag aalas-10:00 naman nang humiling ang piloto ng eroplano na si Capt. Irineo Manguba para sa isang emergency landing bunsod umano ng isang engine failure subalit wala itong natanggap na sagot.

Kasama ni Capt. Manguba ang student pilot na si Jeny Jerome, isang Indian national nang bumagsak ang sinasakyan nilang eroplano sa bayan ng Comillas kung saan, humiling ito ng tulong.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Philippine Aeronotical Rescue Coordination Center (PARCC), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Alpha Aviation at ng Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board ang nasabing insidente. DWIZ

Comments are closed.