TRAINING AT SCHOOLING NG MGA PULIS SA ABROAD SUSPENDIDO

Sr Sup Benigno Durana Jr

CAMP CRAME – HINDI na muna papayagang makalabas ng bansa ang mga pulis na mayroong nakatakdang training at schooling sa ibang bansa.

Ito ang sinabi ni acting PNP Spokesperson Major Gen Benigno Durana  sa harap ng pagtaas ng bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Filipinas.

Ayon kay Durana, aniya mayroong mahigit 200 bansa kabilang na ang China kung saan nagsasagawa ng mga training at schooling ang mga pulis.

Sa ngayon suspended muna ang pag-iisyu nila ng Foreign Travel and Authority to Travel Abroad sa mga pulis na may scheduled training and schooling abroad.

Habang ang mga pulis na nasa ibang bansa at on going ang training o schooling ay imo-monitor sila ng PNP.

Sinabi ni Durana, hangga’t hindi natatapos ang banta ng COVID-19 ay mananatiling suspendido ang training at schooling abroad ng mga pulis.

Layon aniya ng hakbang na ito ng PNP na maprotektahan ang kanilang hanay mula sa nakahahawang Coronavirus disease 2019. REA SARMIENTO

Comments are closed.