TRAINING NG 3X3 TEAM PARA SA OQT PINAYAGAN NA

Bobby Rolases

MAAARI nang magsimulang magsanay ang mga PBA player na bahagi ng Gilas Pilipinas 3×3 men’s squad sa loob ng isang bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna bilang paghahanda para sa qualifying tournament ng Tokyo Olympics.

Makaraang makakuha ng clearance mula sa kani-kanilang mother ballclubs, direkta na ngayong makikipag-usap ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa mga  sangkot na player upang hingin ang kanilang consent.

Ang mga player na bumubuo sa 3×3 national team ay sina San Miguel’s CJ Perez at  Mo Tautuaa, 2020 top overall rookie pick Joshua Munzon ng Terrafirma, at isa pang rookie, si Alvin Pasaol ng Meralco.

Bahagi rin ng pool sina Rain or Shine rookie Santi Santillan at free agent Karl Dehesa.

Ang Laguna ay kasalukuyang nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), kasama ang Rizal, Bulacan, Cavite, at National Capital Region (NCR), subalit pinayagan na ng Inter-Agency Task Force ang national athletes, lalo na ang mga nagsasanay para sa  Tokyo Olympics at Vietnam Southeast Asian Games, na simulan ang  training sa Inspire Center.

“As far as those teams whose players are involved in the OQT, it was suggested by the teams for SBP to talk first to the players. So as long as the players will agree already of going to the bubble immediately, then there is no problem,” paliwanag ni PBA Vice-Chairman Bobby Rolases.

Sinamahan ng  Terrafirma governor si Commissioner Willie Marcial sa itinakdang press briefing matapos ang special Board meeting na idinaos noong Lunes.

Ayon kay Rosales, ang 3×3 team ay maaari nang magsimulang magkakasamang magsanay kapag pumayag ang bawat isa na pumasok sa Calamba bubble.

Subalit tulad ng napagkasunduan din sa SBP, sa sandaling payagan na ang  PBA scrimmages sa NRC, ang mga player ay dapat ding payagan na samahan sa training ang kani-kanilang mother teams.

“As far as the SBP is concerned, that should not be a problem, since if the IATF allows the scrimmages of PBA teams, they will transfer the venue of the training in NCR and get out of Calamba,” dagdag ni Rosales.

“So far as the schedule is concerned, there should be no problem.”

Ang koponan ay nakatakdang umalis isang linggo bago ang May 26-30 tournament sa Graz, Austria.

Ang Gilas Pilipinas ay nasa Pool C kasama ang Slovenia, France, Qatar, at Dominican Republic at kailangan nitong magtapos sa Top 2 para umabante sa knockout stages.

Kailangan din nito ng podium finish upang makasambot ng puwesto sa maiden 3×3 tournament ng Olympics. CLYDE MARIANO

6 thoughts on “TRAINING NG 3X3 TEAM PARA SA OQT PINAYAGAN NA”

  1. 65724 298203The vacation particular deals offered are believed as a selection of possibly the most preferred and therefore within your budget all more than the globe. Quite a number of hostels can be proudly located inside property which is accented who has striking seashores encouraging crystal-clear rivers, contingency of an Ocean. hotels compare rates 326349

  2. 872074 180466Wow, incredible weblog structure! How long have you been running a blog for? you produced running a blog look easy. The complete look of your web site is magnificent, neatly as the content material material! 619610

Comments are closed.