TRAINING NG FARMERS DAPAT PONDOHAN PARA MAKAHABOL SA VIETNAM, THAILAND – JIGGY MANICAD

JIGGY MANICAD-2

NANAWAGAN ang broadcast journalist at kandidato para sa Senado na si Jiggy Manicad na kailangang pondohan ang edukasyon at pagsasa­nay ng mga magsasaka sa makabagong teknolohiya upang makahabol ang lokal na industriya ng agrikultura sa ating mga karatig-bansa sa rehiyon.

Si Manicad, na sinusulong din ang pagtakda ng mas maraming eksperto sa agham sa Department of Agriculture (DA), ay nanini-walang ang karagdagang kaalaman sa produksiyon ng bigas ay maaaring magbigay daan sa agarang pagdami ng ani.

“We need to teach farmers how to increase production to improve their income,” ani Manicad.

“Ang kaalaman sa pagtanim ng palay ay importante. Bakit hindi natin sila dalhin sa International Rice Research Institute (IRRI) sa Laguna,” dagdag pa niya. Si Manicad ay naging iskolar ng bayan sa University of the Philippines Los Baños na katabi lamang ng IR-RI.

Aniya, ang IRRI ay dating “learning lab” lamang ng mga magsasaka mula Thailand at Vietnam, ngunit napag-iwanan na tayo nila.

Ayon pa sa batikang journalist, plano niyang magtatag ng asosasyon ng mga magsasaka mula sa iba’t ibang barangay na magiging “eligible” para makakuha ng pondo mula sa pamahalaan upang makapag-aral sa IRRI.

Sa IRRI, aniya, makapagsasanay ang mga magsasaka sa pinakabagong mga teknolohiya sa pagpapatubo ng palay upang mapabuti ang kaalaman nila kung kailan ang tamang panahon para magtanim, kung aling mga kundisyon ang akma sa espisipikong uri ng palay, kung kailangan ba ng fertilizer o hindi, kung paano maiwasan ang pagdapo ng mga peste, at iba pa.

“Those who have been sent to this institution should be able to echo his or her knowledge, skills and attitude acquired to fellow farmers back home,” sabi ni Manicad.

Kailangan din daw maglikha ng asosasyon ng mga opisyal mula sa DA na magsisilbing tulay sa gitna ng mga magsasaka at ng pa-mahalaan.

“Sa ganitong paraan malalaman agad ng gob­yerno ang mga pangangailangan ng mga magsasaka,” pahayag ni Manicad.

Ayon sa ulat ng CGIAR o Consultative Group for International Agricultural Research), isang pakiki­pag-ugnayan sa gitna ng mga 15 na research center sa iba’t ibang dako ng mundo, ang Filipinas ang ika-8 na pinakamalaking producer ng bigas.

Sa kabila nito, maliit pa rin ang dami ng naaaning bigas ng bansa kumpara sa ibang bansa sa Asya. Ang Thailand at Vietnam ang dalawa sa pinakamalaking producer ng bigas habang ang Filipinas at Indonesia naman ang dalawa sa pinakamalaking importer ng bigas.

Ito ang dahilan kung bakit isusulong aniya ni Manicad na mas mapabilis ang pagdagdag sa kompetensya ng mga magsasaka rito sakaling mahalal sa Senado sa 2019.  PMRT

 

Comments are closed.