TRAINING NG FOOTBALL TEAMS AARANGKADA NA

Mariano Araneta

TATLONG koponan sa Philippines Football League ang magbabalik sa ensayo ngayong araw.

Ayon kina Philippines Football Federation (PFF) president Mariano Araneta at  PFL commissioner Coco Torre, sinisiguro nila na ang mga koponan, lalo na ang mga player, ay nasa ligtas na kapaligiran.

“They are all looking forward to the resumption of training,” wika ni Araneta sa online version ng Philippine Sports Association (PSA) Forum kahapon.

Ayon kay Torre, ang mga koponan na magbabalik sa training matapos ang matagal na break dahil sa COVID-19 ay ang United City Football Club, Kaya at Stallion. Susunod na rin ang dalawang iba pang koponan.

Sinabi pa ni Araneta na may nakatakdang Zoom meeting ang PFL teams kay Games and Amusements Board (GAB) chairman Abraham Mitra.

Ipaaalala ni Mitra sa  PFL teams ang health protocols na dapat sundin sa pagbabalik nila sa workouts sa PFF Training Center.

“It’s a matter of reminding them about the safety of the players and the safety of the venue,” sabi ni Araneta patungkol sa PFL, isa sa ilan lamang na professional leagues na binigyan ng clearance upang ipagpatuloy ang workouts sa panahon ng pandemya.

“Each club has their own responsibility to make sure that the players are following safety protocols,” ani Araneta.

Sinabi ni Torre na laging pinaaalalahanan ang  PFF teams hinggil sa kahalagahan ng ‘due diligence’.

“Cooperation is vital,” pagbibigay-diin niya.

“‘Yung ginagawa namin amidst the pandemic, ‘yun ang pinakaimportante rito, which is sundin talaga nila yung instructions because cooperation is vital on what we are trying to achieve.”

Sinang-ayunan ito ni Araneta, at sinabing: “The players in each club has its own responsibility to make sure that the players are following safety protocols.” CLYDE MARIANO

Comments are closed.