TRAINING NG SWIMMING TEAM NG ISRAEL SA PH PINAYAGAN NG IATF

PINAHINTULUTAN ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang Israeli National Swimming Team na magsagawa ng kanilang pre-Olympic training sa ilalim ng sports bubble format sa New Clark City Aquatic Center sa Capas, Tarlac.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, na siya ring tagapagsalita ng IATF, na ang approval ay iginawad kasunod ng kahilingan ng Philippine Swimming Incorporated.

Magsisimula ang training sa Hulyo 7 na tatagal hanggang Hulyo 21.

Gayunman, magiging mahigpit ang pagpapatupad ng mga health protocol.

“The event shall strictly comply with the approved health and safety protocols,” dagdag ni Roque.

Ikinagalak naman ni Roque ang pagiging interesante ng mga dayuhan sa sports facility ng bansa. EVELYN QUIROZ

3 thoughts on “TRAINING NG SWIMMING TEAM NG ISRAEL SA PH PINAYAGAN NG IATF”

  1. 453901 728745Hi. Cool article. Theres a problem with the web site in chrome, and you might want to check this The browser could be the marketplace chief and a big component of other folks will miss your outstanding writing due to this dilemma. I like your Post and I am recommend it for a Site Award. 733873

Comments are closed.